ForeverMissed
Large image
Stories

Share a special moment from Carlito's life.

Write a story
May 17, 2021
Ang ninong Lito ay parang tatay ko na kahit di nya kami kamag-anak pero ang concern nya ay di masusukat. Halos dalaga pa ako hanggang makapag asawa at magkaroon ng mga anak palaging may payo at ang pagtulong nya ay di nagsasawa. Kapag sumasabay si Elaine lumuwas inaabutan pa ng pera para daw pandagdag sa baon, kasi daw noong buhay pa ang ninang  binibigyan din daw ng baon si Elaine kaya siguro ganon din ang ginagawa nya hanggang sa makatapos si Elaine, pero sumasabay parin lalo na kapag pauwi dito sa Malolos from Makati pumupunta sya sa dialysis center para makasabay pauwi bago umuwi dadaan pa daw sila sa tikay para kumain. Napaka generous ng ninong. Maraming maraming salamat po ninong Lito kasi po naging bahagi po kayo ng mga buhay namin palagi po kayong  nasa puso ng aming pamilya at di po malilimot kayo po ng ninang Leny.

Paalam daddy Panganiban at maraming salamat sayong kabutihan

May 16, 2021
Si daddy panganiban ay super bait sa amin lahat na mga staff. Sa tuweng dialysis nya deretso upoan lang yan at after tusukan matutulog na yan kahit ang ingay pa namin wala syang paki  then after ng dialysis nya uwe deretso yan wala ng kwento kwento sa iba yan kasi di sya tsismoso . Yes totoong mahirap patawanin si daddy pero napapangiti namin sya para lang maibsan man lang ang sakit ng karayom na gauge 16 at mainjectionan ng eposino na napakasakit nga naman talaga. Di man namin nafeel yon pero sa reaction nila nasasaktan sila. Sa tuweng pasko walang palya si daddy na magbigay sa amin ng pamasko nakakahiya man pero tinanggap namin kasi yon ang gusto niya. Nilibre din nya kami sa resort at dinala din nya kami sa palaisdaan para magbonding kaming mga nurses at may pasalubong pang hipon  napakabait talaga ni daddy kasi tumutulong din sya sa walang wala naming pasyente na di nya pinapaalam. Nalungkot kami sa ngyari sa kanya pero inisip nalang namin na tapos na ang pain na narramdaman nya. Paalam daddy panganiban you will always be in our hearts. 

Share a story

 
Add a document, picture, song, or video
Add an attachment Add a media attachment to your story
You can illustrate your story with a photo, video, song, or PDF document attachment.