ForeverMissed
Large image
This memorial website was created in memory of our loved one Janet Madeleine "Mads" De Leon Dominguez. We love you forever..
October 13, 2023
October 13, 2023
Hello auntie.

Please guide uncle in his journey to the next life ♡ we will forever miss you,uncle gleng,mommy and daddy♡♡
September 6, 2022
September 6, 2022
Ang question ko kay auntie ay:

Auntie, pigaran basoy coke tan kakanin lay nakan yod tad tawen? HAHA
bago yo kanen, ibabaga yoni kaya may pasimple yon linya ya, "eh sige tawayan labat".

Missing you always auntie. Pray for us please.

September 5, 2022
September 5, 2022
❤ Everytime umuupo si Leira sa legs ko auntie I remember you, dahil ansakit ng pwet ni Leira sa legs ko kapukepukel. Kaya pala noon pag umuupo ako sa legs niyo before nung bata pa aketch sabi ka ng sabi ageh ansakit so pukel ko

Miss you auntie..xx
August 25, 2022
August 25, 2022
It's almost a year since you left us, auntie.

But the feeling of loss remains. It haunts, too, unexpectedly, like tonight. While I am busy working, I think of you and mourn some more. I've come to realize that tears are soul cleansers. Grief purifies. Pain, too, has brought us closer together as a family.

We love you auntie. Thank you for echoing our prayers to God.

January 2, 2022
January 2, 2022
Hello auntie Mads!!!


HAPPY BIRTHDAY!

Sa life we make choices na ayaw natin mag regret in the future..

Pero yung di ko pag attend sa birthday mo when you invited me personally, one of the things I regret..

Who knew auntie..


Ayan tuloy, never ako nakakain ng epic pancit mo..

Pasensya kila auntie, not that I didn't prioritise your birthday, I know for sure you know how much i love you and that I remember your birthday..We are ever so grateful you were born as our aunt..

Enjoy your birthday blast in heaven..

We love you.
December 8, 2021
December 8, 2021
Hello auntie Mads,

Kahapon tinayo na namin sa bahay ang Christmas tree,
Ngunit halos hindi parin maka-ngiti..
Ang puso ko dinalaw ng kirot,
Pinipilit pigilan ang luha at lungkot..

Ako nga na nadistino sa malayo,
Ay nayayamot sa pagkawala mo..
Paano pa silang halos nakasama mo araw araw,
Siguradong hirap na hirap sa iyong pag panaw..

Ngayong pasko ikaw ay wala na,
Ngunit sa puso ika'y laging nakatira..
Sana auntie ikaw ay mapayapa,
Mula sa langit,nanunuod at nakabantay sa amin dito sa Lupa.. 

Mas gusto sana, ikaw ay nandito pa sa amin,
Ngunit ang tadhana ginusto na ikaw ay kunin..
Nag-sara man ang iyong libro ng buhay,
Auntie, tandaan mo na mahal kitang tunay.



November 8, 2021
November 8, 2021
Sabi nila parang basketball ang buhay
Umasa ko na dito sa laban na to tayoy magtatagumpay
Pinagtiklop ko na ang aking kamay
Nanalangin na sana makauwi kami sa bahay

"Panginoon,
Bigyan mo pa kami ng panahon"
Sa buhay ba pwede din kaming magchampion?
Sana nalaman ko ang iyong tugon

Na hindi na pala pwede
Si mama, sa iyo na pala uuwi
Kahit nag dasal ako gabi gabi
Kaso sa buhay, wala pala tayong OT

Kahit pa mahigpit pa ang laban
Lahat pa rin may hantungan
Mama, Kahit ayaw pa kitang lumisan
Kailangan pala para di ka na mahirapan

Mama, bakit kailangan mong mawala
Akala ko lalaban ka
Sa dami mong pinagdaanan, lagi mong pinapakita
Na di ka sumuko, kasi alam ko malakas ka

Nawalan ng kulay ang mundo
Para bang itoy gumuho
Wala kong tigil humingi ng milagro
Pero bakit parang ito na yung dulo
Hindi na pala ito basta laro

Bakit kaya kung kelan ka nawala
Doon ko lang nahalata
Na hindi ko pala naipakita
Na mahal na mahal kita

Sobra sobra kong nagsisisi
Hindi man lang kita nayakap sa huli mong sandali
Sana timeout na lang ang aking hiningi
Para tumigil ang oras at makita ka lang ngumiti

Mama, kung nasaan ka man ngayon
Sana masaya ka na sa habang panahon
Sobrang hirap na wala ka sa aming pagbangon
Kung bibigyan ulit ako ng ina, ikaw pa rin ang hihilingin ko sa Panginoon

October 30, 2021
October 30, 2021
Muli
Mabilis ang oras. Matulin ang takbo ng mundo. Pero hindi ang paghilom. Niyayakap ang pagod para makalimot. Pero hindi nawawala ang kirot. May mga araw na mahapdi ang sugat. Masalimuot ang pagluluksa. Iyak, hikbi, nagtitimpi. Kalaunan ay magdarasal na sana'y sa langit ika'y nakangiti.
Sa aking diwa ika'y mananatili. At mahal, kahit bumitaw ka, panghahawakan ko ang pangakong magkikita tayo.. hanggang sa muli.

I dedicate this to the love story of Auntie Mads and Uncle Donnis.
October 29, 2021
October 29, 2021
Halloween na naman.panahon ng mga horror movies na super peyborit ko.sympre naimpluwensyahan ako ni auntie mads, batang bata palang ako mga 7 yrs old hndi ako palanood ng kung ano anong cartoon except lang pag si captain planet, power rangers, ultraman dyna, atbp. ang palabas. mas kabisado ko pa ang mga horror movies like nughtmare on elm st. na kung saan ang monster ay si freddie krugger, poltergeist, at ang pinakatatumatak sa akin ang pet sematary. paulit ulit namin pinapanood yan sa betamax n auntie mads,may rewinder pa kasi noon ng mga betamax hahhaha. hndi gaya ngaun isang pindot lang pwede irewind or ireplay. ung fascination ko sa horror dahil tlga sa impluwensya ni auntie,ang ang pinakamaganda, pinakamabait na auntie.
kung di naman horror movies panoorin namin laro ng ginebra dati sa mahigpit nitong kalaban na alaska lalo pag championship,ay anamit hahhah. tim cone vs jawo ang mga coach hahhaha. at sympre andokey so patalastas irad unman,gawaen mi nen auntie paunahan kami sa commercial kung ano un may points un hahhaha. palaging panalo si auntie.hahhaha.kabisad nya commercial ya amin hahaha.auntie miss kita sobra,kaya lagi kita napapanaginipan.salamat kht sa panaginip nayakap kita ng sobranh higpit.miss na miss ka na namin.love u so much auntie.
October 14, 2021
October 14, 2021
You bravely faced darkness and death without a tear, thanks for inspiring all of us Auntie, it was a tough fight . You have won ur own battle. Tons of love ❤️❤️❤️❤️

Leave a Tribute

Light a Candle
Lay a Flower
Leave a Note
 
Recent Tributes
October 13, 2023
October 13, 2023
Hello auntie.

Please guide uncle in his journey to the next life ♡ we will forever miss you,uncle gleng,mommy and daddy♡♡
Her Life

My memories with Auntie Mads

October 14, 2021
Kung beauty lang, hndi patatalo si auntie sa kanyang mga fave actress na si phoebe cates. Kaya dami nagkakacrush kay auntie mads na mga pulis,patambay tambay sila sa farmacia hehe.
Kung sa kakwelahan rin lang, game na game si auntie,sasamahan ako nyan maligo sa ulan,fave spot nya ung tubig na galing sa gutter ng yero doon sa likod bahay sa baley. At kakawkawan nya ako gamit ang paa nya(lol). 
Nung nakatira kami sa vicar hotel, every friday nyt,ang dinner namin alaminos longganisa na dala ni daddy celing,at sabay sabay kami kakain na tatlo ksma si mommy sisa. Pgkatapos ng msarap na hapunan, sasakay na kami ng fave namin na dowton jeep papunta saan? Sympre sa elisa cinema pang lastfull show ang peg namin lagi ni auntie libre dahil unli supply passes na ticket(salamat daddy) lol.Pag uwi,sympre tulog na si mommy at daddy,may secret passage kami ni auntie sa mismong balkonahe ng room sa vicar, lulukso ka pero wag ka titingin sa baba kundi malulula ka at bka mahulog ka hahhaha. Technik ni auntie yan napapasok nya ung room kahit walang tao.sa loob bsta nakabukas pinto sa terrace. Sya mauuna lagi na lulukso, at pag nakatawid na sya sa terrace, ssbihan ako lagi "Gah Dong,lukso ka la asikasom benbenan moy limak". Sympre hahawak ako.mahigpit and charaan,andun na kami sa loob hahhaha. Tahimik, walang traffic, very memorable ka sa amin ni auntie mads Vicar hotel ( symrpe jan din ako sinabunutan ni mama ko habang buntis xa dahil.h di ako marunong mag add ng numbers hahhah at dito din nabagok ulo ni sis lei nung nakasalpukan nya ung gwapong batang bombay si rajesh)..
First day.of skul ko sa aguilar central skul,sympre si auntie ang naghatid sa akin. Gamit nya? Side car bike na iisang pedal lang ang gumagana dahil sira ang isa. Kita ko pagsisikap ni auntie na paandarin ung bike para lang makapasok ako habang naka napsack ako ng hetty spaghetti bag. (Daig pa ni auntie si transporter sa bilis nyang magbike kht iisang paa nya ang nagpupush ng pedal)
Pag walang pasok sa skul,sympre intern ako sa farmacia,dahil kay auntie natutunan ko na ang penicilin ay dinidikdik at ilalagay sa sugat ksma ng merthiolate.nakikita ko kasi yan gngawa ni mama sa mga kapatid ko. Alam na alam ko din na ang aspilet ay para sa lagnat,dhil first aid lagi yan ni mommy sisa at auntie sa akin pag mgkakalagnat ako. Kabisado ko din ang mga gamot na propan, amoxillin, alaxan,revicon, biogesic medicol  enervon c dahil ako ang bubwit ni auntie doon sa farmacia.Laging may meryenda na pancit canton,pag minsan halo halo sympre laging anjan ang pambansang panulak ni auntie,ang coke(lol)
Nasubaybayan ko din ang love story na tatalo kay kathniel(kaparpara met ingen nen auntie si kathrine bernardo gaya ng lagi ko sinasabi kay neal) at yan ay ang kina auntie at uncle donnis. Unang dalaw ni uncle,nattandaan ko pa pumasyal sila at nglakad ni auntie papunta dito sa baybay at sympre chaperon ako at may ksama pa ako na kasambahay noon dko n maalala kung sino, napakaswerte ni uncle kay auntie,maganda,artistahin, matalino,mahilig magdedicate ng notes sa likod ng picture,at hndi yan paweg si auntie(lol, agkila unkokontra uncle donnis hahhaha)..naaala ko pa nung namanhikan sila uncle donnis andami foods tuwang tuwa si auntie non.
Kasal ni auntie ang ganda ganda nya nun,kitang kita ang excitement at galak sa kanyang mukha, pareho nilang binigkas ang kanilang wedding vows" in sickness and in health, for richer and poorer,till death do us part"...Salamat uncle donnis,tinupad at pinanindigan mo ang vows mo kay auntie, binenbenan u so lima da,inaruga u ra nwn mansasakit ira,amay last days da, anggano nandown kau and hit rock bottom,agyo intilak so sinansakey, and hanggang ngaun na wala na si auntie,ramdam namin pgmamahal ninyo kay auntie,sa araw araw na pagdalaw nyo palang sa knya da heritage.uncle.donnis,inar aro to kayon maong man si auntie, ta no wajad abong mi ira no walay okasyon,agda gabay ja so unugep ta gabay da unsempet ed estanza ya kaiba kayo. Da best ka talaga auntie mads, soulmate mo tlga si uncle.❤️
Nung buntis ako kay Budong, pinapalayas ako ni mama sa bahay, sympre may ksma pang pokpok ngnsapatos sa mukha ko hahahha, si auntie andun din sya nun at umiyak at buong tapang nyang sinabi, "nen malukon kayo nen saman agdakayo inuntan nen mommy", mananakis ak inanaro to ak si auntie mads, after nung sinama nya ako sa resthouse kung saan ako pansamantalang nanuluyan.salamat sa pagtatanggol sa akin auntie,sayo ako kumuha ng lakas ng loob nung buntis ako.salamt sa mga dasal nyo sa akin at advices ni uncle donnis
Auntie Mads, salamat sa pagiging Nanay sa akin,umaapaw ang pagmamahal mo sa amin na mga pamangkin mo, nawala ka man dito sa mundong ibabaw, patuloy ka pa rin namin na mamahalin,iisipin,at ipagdarasal.Mamahalin namin ang iyong naiwan na pamilya sila uncle,shaneal,prem at erin at susuportahan sa abot ng aming makakaya.Idasal mo kami na sana ay magtulungan at mgmahalan kami at maging patuloy ang magandang ugnayan at samahan namin. Iisipin lang namin auntie na anjan ka lang na nakanapsack,bagong kulay ang buhok at nakaheadband,nakayellow na tshirt, at nakasmile.
inar aro mi kayon maong Auntie Mads, may the Good Lord light ur path on your way to heaven. Rest in paradise,Our Dear Auntie. We love u so much❤️
Recent stories

Invite others to Janet Madeleine's website:

Invite by email

Post to your timeline