ForeverMissed
Large image
Tributes
October 13, 2023
October 13, 2023
Hello auntie.

Please guide uncle in his journey to the next life ♡ we will forever miss you,uncle gleng,mommy and daddy♡♡
September 6, 2022
September 6, 2022
Ang question ko kay auntie ay:

Auntie, pigaran basoy coke tan kakanin lay nakan yod tad tawen? HAHA
bago yo kanen, ibabaga yoni kaya may pasimple yon linya ya, "eh sige tawayan labat".

Missing you always auntie. Pray for us please.

September 5, 2022
September 5, 2022
❤ Everytime umuupo si Leira sa legs ko auntie I remember you, dahil ansakit ng pwet ni Leira sa legs ko kapukepukel. Kaya pala noon pag umuupo ako sa legs niyo before nung bata pa aketch sabi ka ng sabi ageh ansakit so pukel ko

Miss you auntie..xx
August 25, 2022
August 25, 2022
It's almost a year since you left us, auntie.

But the feeling of loss remains. It haunts, too, unexpectedly, like tonight. While I am busy working, I think of you and mourn some more. I've come to realize that tears are soul cleansers. Grief purifies. Pain, too, has brought us closer together as a family.

We love you auntie. Thank you for echoing our prayers to God.

January 2, 2022
January 2, 2022
Hello auntie Mads!!!


HAPPY BIRTHDAY!

Sa life we make choices na ayaw natin mag regret in the future..

Pero yung di ko pag attend sa birthday mo when you invited me personally, one of the things I regret..

Who knew auntie..


Ayan tuloy, never ako nakakain ng epic pancit mo..

Pasensya kila auntie, not that I didn't prioritise your birthday, I know for sure you know how much i love you and that I remember your birthday..We are ever so grateful you were born as our aunt..

Enjoy your birthday blast in heaven..

We love you.
December 8, 2021
December 8, 2021
Hello auntie Mads,

Kahapon tinayo na namin sa bahay ang Christmas tree,
Ngunit halos hindi parin maka-ngiti..
Ang puso ko dinalaw ng kirot,
Pinipilit pigilan ang luha at lungkot..

Ako nga na nadistino sa malayo,
Ay nayayamot sa pagkawala mo..
Paano pa silang halos nakasama mo araw araw,
Siguradong hirap na hirap sa iyong pag panaw..

Ngayong pasko ikaw ay wala na,
Ngunit sa puso ika'y laging nakatira..
Sana auntie ikaw ay mapayapa,
Mula sa langit,nanunuod at nakabantay sa amin dito sa Lupa.. 

Mas gusto sana, ikaw ay nandito pa sa amin,
Ngunit ang tadhana ginusto na ikaw ay kunin..
Nag-sara man ang iyong libro ng buhay,
Auntie, tandaan mo na mahal kitang tunay.



November 8, 2021
November 8, 2021
Sabi nila parang basketball ang buhay
Umasa ko na dito sa laban na to tayoy magtatagumpay
Pinagtiklop ko na ang aking kamay
Nanalangin na sana makauwi kami sa bahay

"Panginoon,
Bigyan mo pa kami ng panahon"
Sa buhay ba pwede din kaming magchampion?
Sana nalaman ko ang iyong tugon

Na hindi na pala pwede
Si mama, sa iyo na pala uuwi
Kahit nag dasal ako gabi gabi
Kaso sa buhay, wala pala tayong OT

Kahit pa mahigpit pa ang laban
Lahat pa rin may hantungan
Mama, Kahit ayaw pa kitang lumisan
Kailangan pala para di ka na mahirapan

Mama, bakit kailangan mong mawala
Akala ko lalaban ka
Sa dami mong pinagdaanan, lagi mong pinapakita
Na di ka sumuko, kasi alam ko malakas ka

Nawalan ng kulay ang mundo
Para bang itoy gumuho
Wala kong tigil humingi ng milagro
Pero bakit parang ito na yung dulo
Hindi na pala ito basta laro

Bakit kaya kung kelan ka nawala
Doon ko lang nahalata
Na hindi ko pala naipakita
Na mahal na mahal kita

Sobra sobra kong nagsisisi
Hindi man lang kita nayakap sa huli mong sandali
Sana timeout na lang ang aking hiningi
Para tumigil ang oras at makita ka lang ngumiti

Mama, kung nasaan ka man ngayon
Sana masaya ka na sa habang panahon
Sobrang hirap na wala ka sa aming pagbangon
Kung bibigyan ulit ako ng ina, ikaw pa rin ang hihilingin ko sa Panginoon

October 30, 2021
October 30, 2021
Muli
Mabilis ang oras. Matulin ang takbo ng mundo. Pero hindi ang paghilom. Niyayakap ang pagod para makalimot. Pero hindi nawawala ang kirot. May mga araw na mahapdi ang sugat. Masalimuot ang pagluluksa. Iyak, hikbi, nagtitimpi. Kalaunan ay magdarasal na sana'y sa langit ika'y nakangiti.
Sa aking diwa ika'y mananatili. At mahal, kahit bumitaw ka, panghahawakan ko ang pangakong magkikita tayo.. hanggang sa muli.

I dedicate this to the love story of Auntie Mads and Uncle Donnis.
October 29, 2021
October 29, 2021
Halloween na naman.panahon ng mga horror movies na super peyborit ko.sympre naimpluwensyahan ako ni auntie mads, batang bata palang ako mga 7 yrs old hndi ako palanood ng kung ano anong cartoon except lang pag si captain planet, power rangers, ultraman dyna, atbp. ang palabas. mas kabisado ko pa ang mga horror movies like nughtmare on elm st. na kung saan ang monster ay si freddie krugger, poltergeist, at ang pinakatatumatak sa akin ang pet sematary. paulit ulit namin pinapanood yan sa betamax n auntie mads,may rewinder pa kasi noon ng mga betamax hahhaha. hndi gaya ngaun isang pindot lang pwede irewind or ireplay. ung fascination ko sa horror dahil tlga sa impluwensya ni auntie,ang ang pinakamaganda, pinakamabait na auntie.
kung di naman horror movies panoorin namin laro ng ginebra dati sa mahigpit nitong kalaban na alaska lalo pag championship,ay anamit hahhah. tim cone vs jawo ang mga coach hahhaha. at sympre andokey so patalastas irad unman,gawaen mi nen auntie paunahan kami sa commercial kung ano un may points un hahhaha. palaging panalo si auntie.hahhaha.kabisad nya commercial ya amin hahaha.auntie miss kita sobra,kaya lagi kita napapanaginipan.salamat kht sa panaginip nayakap kita ng sobranh higpit.miss na miss ka na namin.love u so much auntie.
October 14, 2021
October 14, 2021
You bravely faced darkness and death without a tear, thanks for inspiring all of us Auntie, it was a tough fight . You have won ur own battle. Tons of love ❤️❤️❤️❤️

Leave a Tribute

Light a Candle
Lay a Flower
Leave a Note